Click Photo to Enlarge |
Sa naganap ng presscon para sa I-Vice Ganda Mo 'Ko last monday, May 6 sinalo ni Vice ang mga katanungan sa kanya ng press about him not endorsing any politicians this coming 2013 elections.
“Hindi ko naman siya iboboto, e. Ano ‘to, gaguhan?”
Personal niya daw desisyon ito na wag mag endorso ng kandidato ngayong darating na eleksyon, kahit na marami na ang lumapit sa kanya.
“Kung kinuha akong endorser ng isang pulitiko, papayag ako, sasabihin ko sa buong mundo na iboboto kita. Pero ‘yong manloloko ako, huwag na. Puwede akong mag-endorse, basta ‘yong ie-endorse ko ay gusto ko. Pero kung hindi ko naman siya iboboto ‘tapos babayaran lang naman niya ako, hindi ko tinanggap”, dagdag pa niya.
"Ayoko po ng Vice Mayor gusto ko President ako agad. Yung wala kang background pero mataas agad oo, parang yung mga politiko lang ngayon walang background pero senador agad", paliwananag ng komedyante.
Asked to drop name, "si Nancy Binay sino pa?", kara-karaka niyang sagot at nagsimula ng maghalkhakan ang press.
"Walang political background pero senador agad. Puwede naman palang ganun," wika pa niya.
Sabay pagbibiro na, “Nag-SK pala ako. Mayroon pala akong political background.”
Read Related Stories >>
Bago mag-eleksyon, ibabahagi raw ni Vice ang kanyang mga napiling kandidato sa kanyang Twitter account.
0 comments:
Post a Comment