Nakita ko lang ang letter na ito posted by a friend sa social networking site na facebook, isang open letter made by Risa Hontiveros diumano para kay Nancy Binay.
Tinutukoy ng liham ni Risa ang tungkol sa naudlot na debate sana nilang dalawa, naudlot dahil sa hindi pagsang-ayon ni Nancy.
At kung sakaling natuloy o matutuloy ang kanilang debate narito ang gusto sanang isyu na pagnilayan nilang dalawa at ang mga katanungan ni Ms. Hontiveros:
"Una, sa isyu ng RH.
Sabi mo hindi ka pabor sa RH. Ang Tanong ko, bilang isang botante, iboboto mo ba ang isang kandidato na anti-RH pero may record ng pang-aabuso at katiwalian, o isang kandidato na pro-RH pero malinis ang pangalan?
Pangalawa, tungkol naman sa political dynasties.
Para sa karamihan, ito ay kakambal ng pang-aabuso, kawalan ng accountability, at nepotismo. Bilang kabahagi ng isang political clan, kung sakaling magkaiba o magkasalungat ang interes ng pamilya mo at interes ng pamliya mo at interes ng bayan, handa ka bang talikuran ang pamilya mo alang alang sa interes ng mga mamamayan?"
Para makita ninyo ang kabuoang laman ng liham i-click ang photo sa ibaba para mas malinaw.
Sa tingin niyo totoo ang liham na kumakalat na ito?
0 comments:
Post a Comment