Kahapon sa ASAP 18 ay ipinagdiwang ni Maja Salvador ang kaniyang 10th year anniversary sa showbiz industry sa pamamagitan ng isang dance production number.
![]() |
Click Photo to Enlarge |
“Happy anniversary sa ‘yo. Deserved mo lahat ng blessings na mayroon ka... lahat ng fans mo. Napakabait mo sa pamilya mo, sa akin, kaya deserved mo lahat iyan. And I'll always be here for you... to protect you, kaya huwag ka mag-alala."
At sinundan na ng maingay na tilian ng live audience sa studio ng ASAP 18.
Pinasalamatan naman ni Maja ang mga taong malalapit sa kanya, endorsements, at mga kasamahan niya sa shows at inimbitahan niya na din ang kanyang mga taga-suporta sa kanyang dance concerts sa mga probinsya.
At sa pagtatapos, hinigan naman ni Piolo Pascual si Maja ng mensahe niya para kay Gerald Anderson.
“Thank you. Thank you dumating ka sa buhay ko.”