Custom Search

Thursday, June 20, 2013

Robin Padilla: "Kung nagtatrabaho tayo, dapat balanse"

Nagsalita na nga si Robin Padilla tungkol sa palaisipang pagalis niya sa ABS-CBN Sitcom na "Toda Max".

Maraming lumabas na isyu noon na kaya umalis si Binoy sa Toda Max di umano ay dahil sa inihihingi niya ng trabaho ang kanyang asawa na si Mariel Rodriguez sa bakuran ng ABS-CBN na hindi naman "daw" napagbigyan ng pamunuan.

At ngayon nga, binasag niya na ang kanyang katahimikan sa kanyang interview sa ABS-CBN News kanina, sinabi niyang hindi niya basta iniwan ang show, humingi siya ng pahintulot kay Ms. Cory Vidanes tungkol dito dahil sa may ginagawa siya na 3 pelikula.


“Sa mga oras na ito, tatlong pelikula po ang ginagawa natin. Sa abroad po ang taping. Hindi naman po natin pilitin sila Vhong at Angel na mag advance taping dahil sa akin. Ako po ay maayos na nagpaalam kay Cory Vidanes,” he said. Ang ‘Toda Max’ ay mahal ko iyan. Naging medium ko iyan para masabi ko yung mga bagay na nakatago sa puso ko sa larangan ng komedya na hindi masyado masakit. Diyan ko dinadaan ang aking pagiging makabayan. Pati ang aking mga t-shirt, diyan ko nilabas. Masyado po lang akong maraming ginagawa ngayon. Ako po ay wala na sa edad na puwede nating sabihin na hindi na hanap-buhay kundi hanap-patay. Ngayon ay kailangan enjoyin ko ang asawa ko, ang mga anak ko. Kung nagtatrabaho tayo, dapat balanse."

Umaasa pa ang aktor na makabalik sa programa when he's done filming those 3 movies.

And usapang movie, pasok ang 10,000 Hours movie entry ni Robin sa Official picks para sa Metro Manila Film Festival 2013.

The action star will be portraying the character of a senator who went into hiding for 10,000 hours to get away from the allegations made against him.

10,000 hours is also a reunion project for the 43-year-old actor and Direk Joyce Bernal.

0 comments: