Muli na namang nakatanggap ng reklamo si Mr. Willie Revillame at ang ilang mga kinatawan ng TV5 pati na rin ang ibang staff ng Wil Productions at ng nasabing programa na nagmula sa isang concerned netizen.
Ngayong araw, Monday, April 22 ay kasalukuyang dinidinig ang reklamo. Layunin ng pagdinig na ito na malaman kung mayroon nga bang naganap na pangaabuso sa kapakanan ng mga kabataan at kababaihan.
Eto ang sinasabing video na pinagmulan ng reklamo. Panoorin ninyo at kayo na ang humusga!
Matatandaang huling nakatanggap ng reklamo ang nasabing programa noong nakaraang buwan lamang kaugnay na pagsesermon ni Willie Revillame sa co-host nitong si Ethel Booba at Ate Gay sa live airing ng programa na dahilan upang sumailalim sa sensitivity seminar ng Movie and Television Review and Classification BOard (MTRCB) ang buong programa.
Anong masasabi niyo sa isyung ito? Ano ang hatol niyo?
0 comments:
Post a Comment