Note: Face-Off do not intend to disparage both of the Housemate but to identify their capabilities, strength, weakness, and attitude according to the viewers (you). Please do not post derogatory words on your comments. Thank you!!!
Slater vs Biggel |
1 comments:
Sa alin mang reality-tv competitions, halimbawa ay american idol, so you think you can dance, and hinahanap ng judges at viewers palagi ay ang LEVEL OF DIFFICULTY na sadyang tinatahak ng mga competitors at kung paano nila ito i-handle. Mula Day 1 walang itinago si Biggel tungkol sa kanyang pagkatao, kinalakihan, karanasan, kaisipan at paniniwala na para sa ibang tao ay katawa-tawa. Mula sa bukid-dagat ay nabunot siya para makipagtalastasan, makilahok, makipaghamok sa isang environment (pbb) na kung saan nakatutok ang mata ng mundo. Parang isang wild orchid na galing sa gubat at itinanim sa gitna ng siyudad na sadyang walang kahalintulad sa kanyang kinalakihan. Alam na ng lahat ang pang-aapi, pang-iindulto, pambabatikos, panlalait, pagta-traidor na ginawa sa kanya hindi lamang ng ilang kasamahan kundi maging ng mga taong nasa labas ng pbb sa pamamagitan ng social media.
Higit na apat na buwan na ang nakaraan, mula sa kulang -kulang na 30 naging housemates, isa-isa silang napalabas (evicted) sa pbb sa ibat-ibang dahilan. Nanatiling consistent si Biggel sa kanyang payak na pagkatao, tila walang match sa mga kasamahan na worldly-wise. Kung tutuusin nga, si Biggel lamang ang hindi pa nakatikim ng nomination for eviction na dumaan sa normal na proseso (exception yung ginawa na may kinalaman si Divine). Matatalino ang mga piling-piling housemates ng pbb, matatalino ang tahimik na mayorya ng mga manonood mula sa ibat-ibang panig ng mundo. Pagkatapos ng samut-saring pagsubok, tila sa huli ay nababanaag at konklusibong masasabi na si BIGGEL nga ang LAST MAN STANDING.
Post a Comment