Custom Search

Tuesday, April 30, 2013

Melai and Jason Together Again


Moi Bien: “Sobrang mahal mo si Jason?”
Melai: “Alangan naman balikan ko hindi ko mahal. Nabuang naman ikaw.”

Good News para sa MELASON! Melai Cantiveros and Jason Francisco, back in each others arm na raw!

Click Photo to Enlarge
Sa tinagaltagal ng pagsubaybay nating lahat sa kung ano ang kahahantungan ng tambalang Melai at Jason matapos ang kanilang hiwalayan noon sa loob ng PBB House kung saan din nabuo ang kanilang tambalan ay muli pa palang titibok ang kanilang puso para sa isa't-isa.

Matatandaan ang naging dahilan ng kanilang break-up noon ay ang paghingi umano ni Jason kay Melai ng space para makapagisip o cool-off, na agad naman humantong sa break-up. Si melai bilang single lady naman, dumami ang nagpakilalang kalalakihan na nagsasabing humahanga sa kanyang kagandahan, nariyan ang Azkals player na si Misagh Bahadoran, si "Dan" na kaibigan ni Melai from Cebu at ang pinakahuli ay isang Australian guy na naging dahilan ng matinding selos ni Jason at muli niyang pagsuyo sa dalaga.

Jason asks Melai for Second Chance

Sa tell-all interview ng dalawa sa KrisTV last March, sinabi ni Jason na seryoso daw siya kay Melai, at hindi niya naisip na maairi palang mawala sa kanya ang dalaga.

"Alam ko, inaamin ko sa lahat na ako talaga ang may pagkukulang, sinabi ko naman 'yon. Ilang years tayong magkasama pero 'yun lang ang love na naibibigay ko sa iyo, kasi nagtitira nga ako sa sarili ko. Ngayon nakita mo na kung paano ako magmahal, na parang nakalimutan ko na lahat. So ngayon, ang pwede ko na lang gawin is, alam mo 'yon, bigyan mo na lang ako ng chance at kung matanggap mo ako, eh di masaya. Tapos ipapakita ko sa iyo na deserving na ako..."

Samantalang inamin naman ni Melai na nakita niya kung paano nagbago si Jason.

"Ang sabi ko sa iyo, hindi na siya whole, bawas na siya so dagdagan mo ang effort para bumalik siya, happy na tayo..."

Now Back In Each Others Arm

In an exclusive interview ng Cinema News, nang tanungin si Melai kung ano ang lagay ng kanyang buhay pag-ibig at kung may bago na bang nagpapatibok ng kanyang puso. "Ang lovelife ko naman stable naman. Yun din, ang dati kong love life. Siya naman talaga, sino pa ba ang dati kong love life?" saad niya.

Nang tanungin naman ni Moi kung si Jason ang dating pag-ibig na kanyang tinutukoy ay oo ang sagot ng komedyana. "Sobrang mahal mo si Jason? dagdag na tanong ni Moi Bien, “Alangan naman balikan ko hindi ko mahal. Nabuang naman ikaw," sagot ni Melai.

Spread The News

Let's all celebrate MELASON! Share this post and let's tweet #MelasonInLoveAgain.





0 comments: