Custom Search

Friday, March 9, 2012

Video: Alyansa ng Housemates at BiTin moment

Last night pinakita na ang matinding salpukan nila Don Baron at Donya Beauty laban sa mga Housemates. Nakakabilib ang pag-arte ni Paco bilang houseplayer ng bahay ni Kuya, sinusubukan nila talaga kung sino ba sa mga natitirang housemates ang may kakayahang maglakas-loob at ituwid ang mali ng kanilang mga amo.

Si Kevin, bagamat hirap magtagalog ay kinakitaan ng matinding pakikipagsautan laban kin Don at Donya, marahil ay nais niyang ipagtanggol si Pamu sa kanyang task na punuin ng tubig ang pool gamit ang mga timba. Makikita kagabi kung sino sa mga natitirang ma housemates ang handang lumaban para sa tama maging ang ilan  na nagiging sunudsunuran na lang.



credits to the uploader of the videos

Nagkaroon din ng moment ang loveteam na nagsimula sa "Iskwater" ang BiTin o si Biggel at Tin. Si Biggel na handang gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig, maging ang paglusong sa putikan. Senyales na ba ito ng muli nilang pagkakaayos??? Mukhang sa mga ganitong mga pagkakataon at sitwasyon nakukuha ni Biggel ang loob ng hinahangaan niyang housemate na si Tin, o di kaya naman ay dahil sa sumuko na lang si Tin kay Kevin, Carlo at Slater??? Sa tingin niyo?

0 comments: